Sunday, July 27, 2008

Reklamo 101

Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman, pero nitong mga nakaraan araw eh parang pinipilit ko na lang ang aking sarili na pumasok sa trabaho. Ito ba ay isang sintomas na ng katamaran? Naku, mukhang hindi ito magandang pangitain. Sa hirap pa naman ng buhay ngayon eh kailangan mo talagang doblehin ang kayod upang matustusan ang sariling pangangailangan, eh pano pa ang mga umaasa sayo.

Masyado ko bang pinilit ang aking sarili sa trabaho, kaya ngayon eh tinatamad na ako? Ako ba ay wala ng inspirasyon sa trabaho, kaya ganito? Nagsasawa na kaya ako sa ginagawa ko? Ang dami ko naman tanong!

Ano kaya kung gayahin ko si Juan Tamad? Anu kaya ang mangyayari sa akin? Eh kung antayin ko na lang ang pagkain na lumapit sa bibig ko? Anu kaya kung utusan ko ang computer na gawin ang lahat ng trabaho ko gaya ng pagutos ni Juan sa alimango na mauna na sa bahay?

Ang sarap ispin na kay dali ng buhay pero sa panahon ngayon parang lalong humihirap! Ang mahal ng bigay! Ang mahal ng karne, gulay, at pati na isda! Miski na de-lata tulad ng sardinas eh kamamahal na rin! ang paborito kong pancit canto, ay aba ang mahal na din! Ang gasolina, porke ba wala akong sasakyan eh hindi na ako apektado nito? Mali! Nagtaas na ang pamasahe, at lahat ng bilihin ay apektado na ng lintek na gasolinang ito! Maglutong ulam ka naman eh kakapiranggot na ang mabibili mo di tulad ng dati! Nakakaawa... talgang kawawa na si Juan! Tse!

3 Comments:

_OC_OSS_moi_ said...

Wais... tinagalog ang salaysay na ukol sa katamaran upang hindi maunawaan ni tonyo. heheh...

Ako si Mikey said...

hahaha... tama ka diyan aking kapatid sa kagandahan!

Anonymous said...

Kapatid - ako din ay nasa ganyang damdamin!