Monday, November 17, 2008

Episode 4

The adventures of MC, blah, blah, blah!
Episode 4
In-love si MC kay DG under the Umbrella!


Ano pa nga ba! Sa bawat kwento may naitatagong sikreto, at ngayon na ibubunyag ang ka-love team ni MC. Tama ka, may ka-love team nga si MC, after 3 episode eh ibubunyag na (maka-kilig ka naman). Syempre habang tumutunog kunyari ang kantang "I believe in you and me" ni Whitney Houston eh eto ang eksena ni MC:

Nakasakay sya sa harap ng jeep papunta sa Ayala, imemeet nya ang isang buwan na nyang ka-text. At di mo aakalaing Biyerns Santo ay makikipag-EB ang MC, kamusta naman dba? Ok, so habang nasa byahe eh nag back track muna sya sa mga heartache na nalampasan nya. Mga pang-gagago sa kanya, pagsisinungaling, pangaalipusta sa pagkatao nya ( ok OA na yan ), pero yung mga sad moments nya. Bigla syang napatingin sa langit at napadasal " Lord, kung anu man po ang mangyari sa pakikipagkita kong ito eh kayo na po ang bahala, pagod na akong maging mag-isa!"

Akalain mong tatlumpong minuto na ang nakakalipas eh wala pa din ang ka-text nya. Aba at nairita na si MC, sinabi nya sa sarili nya, "I'm gonna give him 5 more minutes, and if he's not here, Im gone!" - Yes, marunong mag-ingels si MC ( sa isip nga lang ). Habang nakaupo si MC sa loob ng Sparbuks ay naaninag nya ang anino na naninigarilyo, at ang lintek, late na nga nanigarilyo pa:

"Baka tensyonado sa excitement dahil makikita na nya ako at ang aking... alindog", bulong ni MC sa sarili nya.

At lumapit na nga ang misteryosong ka-EB ni MC...

Episode 4.1
Patalastas

Sabi sa Ayala sila nag-meet so malaking Ilusyon ito!


Ok, may makikipag meet bang half-naked?! Try again MC!


Na-starstruck ba si MC? Pero kamukha naku po!


Episode 4.2

Natauhan si MC sa pag-back track, pag-ilusyon at kung anu pang pag-iisip sa pagkikita nila ng knyang ka-love team na si DG. Nagising sya sa katotohanan, inlove nga sya, inlove sya kay DG na kasalukuyang nakaupo sa parking lot ng Boni Low Street at inaantay sya habang sya ay nakikipagsiksikan sa concert ni Rihanna!


Natauhan sya sa lyrics lalong lalo na sa part na :

"When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)"

At ano pa nga ba ang inabot ni MC, isang matinding palo ng payong mula kay DG.


Episode 4.3
For you DG!


Ang gwapo ni DG!

Kung kakornihan ang labanan, eto na ang panlaban ko.

"Your love gives me strength each day of my life.
You saved me from the misery of loneliness and showed me unconditional love that I never thought I deserved.
At times when I am on the verge of falling apart, you saved me by showing me and help me realize what is real from not.
Your shoulder is never tired from my big headed ego anf my fat materialistic thinking.You are my life and without you I am nothing, I am not me, and I am not as inlove right now as I had ever been or will be.
You had become the reality of my dreams, the security I had been searching for all my life.
And I could not think of a moment I am away from you because that would be a misery.
You are my love, my partner, and my life."


Episode 4.5

Punyeta ang haba na nitong episode na ito!
Yung lang ...



Antayin na lang ulit ang pagbabalik tanaw ni MC sa kanyang love life...

2 Comments:

_OC_OSS_moi_ said...

galing!in fairness, nakaka-involve ang mga episodes. feeling ko malapit ang loob ko kay MC.. parang close kami?! ;P

Ako si Mikey said...

mukha nga po, mukhang parehas kayong maldita! bwahaha.. love it!