Wednesday, October 29, 2008

Episode 1

The adventures of MC, blah, blah, blah!

Episode 1

Sampal ala Iisa pa lamang!

Oo, habang etong si MC eh nasa trabahao na halos dugo at pawis ang ipuhunan eh nakuha pa nyang basahin ang mga linya sa "Iisa pa lamang". Eto ang top list nya:

Number 3:
"ano masakit ba? hahahhahahahah.... tama ang horoscope ko.. today is my lucky day... hahahaha!!" - isadora castillejos

Number 2:
"o cge.. maglaro tayo... agawan ng yaman... " -katherine dela rhea


Number 1:
Lola Aura: itong duming ito ang balang araw pupuwing sayo!
Isadora: edi magshashades ako!


Episode 1.1
( patalastas )
Lumapit, lumapit bigla ang ultimate crush ng bayan kay MC.

Ang kanyang puso ay nagsusumigaw ng "huuuwaaaat, this is it, totoo ba ito, paking shet!" - sabay sabay yan ah.

Nagulat, super as in nagulat at muntik ng himatayin sa kakiligan si MC ng lumapit ang super crush ng bayan sa kanya at bumulong, "pagod ako.. wag mo akong bi'bwisitin ngayon.. baka ihampas ko sayo tong bag kong mahal pa sayo..."

Ayun, hinimatay na ng tuluyan si MC, di nya inakala na ang crush ng bayan ay fan din pala ng "Iisa pa lamang".

Episode 1.2
Dahil sa stress, hindi mapigilan ni MC and mag-drama for a moment. Naisip nya, lagi na lang syang api, lagi na lang sya ang dehado, lagi na lang sya ang mali. Parang sa mga pinapanuod nyang telenovela na and bida ay inaapi at inaalipusta, pero sa bandang huli ay bumabawi at mananampal. Bakit nga ba laging may sampalan sa mga drama na palabas?

Masakit kaya masampal?

Masarap kaya manampal?

Hmmm...

Hindi nakatiis si MC kaya lumapit sya sa isa nyang katrabaho at sinabi nya ang linyang, "simula ngayon masanay ka ng tawagin akong ma'am and Oh gusto ko pagdating ko dito sa opisina ipagtimpla mo ko ng kape, black ha? yung VERY BLACK, YUNG MAPAIT!!!! KASING PAIT NG BUHAY NA IPAPARANAS KO SAYO!!!!!!"

Sumagot ang hitad, "Ang ganda mo ngayon MC ......... parang ang sarap mong patayin".

Hindi nakapagpigil si MC at sinampal nya ang umeeksenang hitad na alam pala ang mga linya.

Ngayon alam na ni MC ang pakiramdam ng SAMPAL ala IISA PA LAMANG! Chos!

0 Comments: