Pandoks Reklamo Food trip with Ramon Bautista!
Biglang nagkayayaan kumain sila MC at ang kanyang super true friends/alagad na puro kaiingay at sandamakmak na reklamador.
Syempre ano pa nga ba ang hahanapin mo pagkatapos ng nakakahindik na trabaho eh kung hindi ang isang matinding balitaktakan tungkol sa trabaho, katrabaho, at showbiz! Syet wala ng ibang jojologs pa kundi sa mga kombinasyong yan, pero aminin, natural naman na sa tao ang magcomment, mang-alipusta, manlait, at pag-usapan ang mga hindi nila gusto.
So eto na, nagsakayan na ang lahat ng katropa ni MC sa kotse ni MB. Ano pa ba ang bukas na makakainan ng alas-dos ng madaling araw kundi “Pandoks”, (da best ang Kawali Royale nila ah!)
Pag dating sa Pandoks, nagsiorder na ang mga hitad na akala mo eh construction worker kung maga extra rice at malalaking softdrinks. Napaisip si MC, “ anu ba yan, do I belong to his group of people?”, sabay umorder sya ng tatlong extra rice!
Patalastas
“Sya bay un?”, sabi ng isa.
“Hindi noh, mukhang bakla yan, tignan mo ang lamya” – sabi ni MC.
“Sya nga yan, si Ramon Bautista nga!”, pagkumpira ng isa na super fan pala nya!
“Ano bang dahilan at nakatingin ka, meron bang nakakapagtaka? Kanina ka pa dyan na parang tanga, Umalis ka dyan o magsalita ka!”
Ang dakilang rap fan na kanina pa nakatunganga, intinaas ang kanang kamay, tiniklop ang tatlong daliri at itiniro si Ramon sabay bigkas “YO”.
Tumbling!
Episode 2.2
Una, magiging good listener ka dahil hindi ka nila pagsasalitain at kalahating hinga lang ang hinto nila habang nagsasalita.
Pangalawa, magiging mathematician ka, lalo na pag reklamo tungkol sa pera ang pinaguusapan. Sige ikaw ang magcompute ng ganito ganyan, pati sweldo ni ganito na ipambabayad kay ganito na dapat ay pinambayad muna sa gastos na ganito pero hinati sa pambayad ng ganyan, eh kulang pa din kaya ayun nangutang kay ganito at pinahiram din kay ganyan. Diba? mag-MDAS ka ngayon!
Pangatlo, magiging statistician ka. Aba sa sobrang daming beses ba naming uulit-ulitin ang kwento na paiba iba lang ang senaryo eh mapapabilang ka talaga sabay bilang ng “margin of error”.
Ayun, kaya enjoy talga si MC sa mga reklamador nyang true friends!